Cool ka lang Romeo

Malamang na hindi makakalusot sa multa sina Terrence Romeo ng Globalport at LA Tenorio ng Ginebra dahil sa kanilang bangayan sa laro noong Martes sa Smart Araneta Coliseum.

Para kay Ginebra coach Tim Cone, natural na pangyayari sa larong basketball ang salpukan ng dalawa, lalo na nga sa pagitan ng dalawang super competitive na manlalaro.

Pero medyo lumagpas sa boundary si Romeo matapos ianunsyo ng game announcer na “ejected from the game” siya.

Palabas ng court ay naghihiyaw siya ng mabigat na pananalita kontra sa mga Ginebra fans at muling nakipagbangayan kay Tenorio.

Lunod sa ingay ang kanyang mga sinasabi, pero basa sa buka ng kanyang bibig ang kanyang mensahe.

Mapusok pa si Romeo sa kanyang kabataan. Pero inaasahang maging pino ang gawi sa paglaot ng kanyang PBA career.

*****

“Japan will be tough at the WCQs (World Cup Qualifiers),” ani Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa kanyang Twitter account matapos padapain ng Japan ang Korea, 78-72, sa panimula ng 2017 East Asia Basketball Association Championship sa Tok-yo, Japan.

Third place tumapos ang Japan sa torneo na pinagharian ng Chinese-Taipei.

Second placer naman ang Korea at fourth placer ang China na nagpadala ng batang koponan na may average age lamang na 19.

Ang ibig sabihin nito, mabigat ang sasagupain ng Gilas Pilipinas sa group plays ng Asian “WC” qualifying event kung saan haharapin nila ang Australia, Japan at Chinese-Taipei.

Tumibay ang Japan sa karagdagan ng kanilang naturalized player na si Ira Brown.

Pamilyar ang kanyang pangalan sa Filipino basketball fans dahil lumaro siya bilang import ng San Miguel Beer noong 2011.

Nanatili namang kasama ng Chinese-Taipei si Quincy Davis bilang naturalized player.

Given na mahihiran ang Team Philippines na ta-lunin ang Australia.

Sa sitwasyon na ito, kailangan ng Gilas Pilipinas talunin ang Japan at Chinese-Taipei para siguradong makalusot sa second round ng WC qualifier.

Show comments