INDEPENDENCE, Ohio -- Mangangailangan si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers ng matinding puwersa para talunin ang Golden State Warriors sa NBA Finals.
Ngunit sinabi ng most prolific playoff scorer na hindi na bago sa kanya ang talunin ang mga nasabing klase ng koponan.
Inamin ni James na ang paggupo sa Warriors team na binabanderahan nina two-time reigning league MVP Stephen Curry, four-time scoring champion Kevin Durant, defensive specialist Draymond Green at sweet-shooting Klay Thompson ang magiging pinakamahirap niyang haharapin sa kanyang career.
Subalit sinabi ng three-time NBA champion na ilang beses na siyang sumagupa sa mga biga-ting koponan sa NBA.
Ito ay nangyari noong 2013 laban sa San Antonio Spurs habang siya ay naglalaro pa para sa Miami.
“It’s probably up there,” sabi ni James matapos ang kanilang ensayo noong Linggo nang tanu-ngin kung ang laban nila sa Warriors ang pinakamahirap niyang tropang makakaharap sa court.
“Obviously, I mean, I’ve played against four Hall of Famers as well too with Manu (Ginobili), Kawhi (Leonard), Tony (Parker) and Timmy D (Tim Duncan) on the same team. And if you add Pop (Gregg Popovich) in there, that’s five Hall of Famers,” dagdag pa nito.
Tinukoy din ni James ang Boston Celtics teams na tinalo niya sa playoffs bilang player ng Cleveland at Miami.