TNT Tropang Texters lusot sa Painters
MANILA, Philippines - Nalampasan ng TNT Tropang Texters ang determinadong Elasto Painters, 105-102 para kunin ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Ang pang-walong pa-nalo ng TNT Katropa sa 11 asignatura ang nagpatibay sa kanilang tsansa para sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.
Nalasap naman ng Rain or Shine ang kanilang pangalawang dikit na kamalasan para mahulog sa 5-6 kartada.
Bagama’t nawala si Crews sa gitna ng third period dahil sa ikalawang technical foul ay lumaban pa rin nang husto ang Elasto Painters na nakabangon mula sa 16-point deficit, 25-41 sa second period para makatabla sa 101-101 sa huling 1:04 minuto ng final canto galing sa three-point play ni James Yap kay Tropang Texters import Joshua Smith.
Nagsalpak naman si rookie guard RR Pogoy ng isang long jumper para sa 103-101 abante ng TNT Katropa sa natitirang 26.8 segundo kasunod ang split ni Yap para sa 102-103 agwat ng Rain or Shine sa huling 5.2 segundo.
Ganap na sinelyuhan ni Ranidel De Ocampo ang tagumpay ng Tropang Texters buhat sa kanyang dalawang free throws ga-ling sa ikaanim at huling foul ni Elasto Painters’ center Raymond Almazan sa nalalabing 3.6 segundo.
Kumolekta Smith ng 23 points at 12 rebounds at nag-ambag si De Ocampo ng 21 markers para pangunahan ang TNT Katropa, maaaring mahulog sa No. 3 spot kung makakamit ng San Miguel at Barangay Ginebra ang top two berths sa quarterfinals.
Sa quarterfinals ay magdadala ang No. 1 at No. 2 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.
Maghaharap naman sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.
- Latest