Kyla Soguilon PSL Hall of Famer
MANILA, Philippines - Nailuklok si veteran international campaigner Kyla Soguilon ng Aklan bilang kauna-unahang Phi-lippine Swimming League (PSL) Junior Hall of Fa-mer sa ginanap sa PSL Annual Awards Night kahapon sa Kalibo, Aklan.
Iniluklok si Soguilon sa pinakamataas na parangal matapos ang kaniyang impresibong tagumpay sa mga nakalipas na taon.
Pinangalanan si Soguilon bilang Philippine Sports-writers Association Milo Junior Athlete of the Year ng tatlong beses - noong 2014, 2015 at 2016 - ang bukod-tanging junior athlete na nakakuha ng naturang pagkilala.
Nagbulsa rin si Soguilon ng dalawang PSA Tony Siddayao awards - 2014 at 2015 - na karangalang ibinibigay sa mga kabataang atleta na may edad na 17-anyos pababa habang nakamit nito ang dalawang sunod na Most Outstanding Swimmer award sa ele-mentary category ng Palarong Pambansa.
Si Soguilon ay dalawang beses na itinanghal na PSL Female Swimmer of the Year (2014 at 2015).
“I have seen no one in my entire life in swimming with the same accomplishment at an early age of 12. We’re so proud of her and we’re looking forward to see her grow for future international competitions,” pahayag ni PSL President Susan Papa.
Mahigit 100 medalya na ang naiuwi ni Soguilon mula sa iba’t ibang international tournaments kabilang na ang Hamilton Aquatics Swimming Championship sa United Emirates, Indian Ocean All-Star Challenge sa Australia at Tokyo Invitational Swimming Championship sa Japan.
Lumahok rin si Soguilon sa mga kumpetisyon sa South Africa, Singapore, Hong Kong at Thailand.
Nakuha naman ni Palarong Pambansa champion at backstroke Philippine junior national record holder Jerard Dominic Jacinto ng University of the East ang Male Most Promising Swimmer habang si Aubrey Tom ng International Learning Academy -Cainta ang ginawaran ng Female Most Promising Swimmer.
Ginawaran ng Female Rookie of the Year si Triza Tabamo at Male Rookie of the Year naman si Aishel Cid Evangelista na parehong bumabasag ng rekord sa iba’t ibang edisyon ng PSL National Series. Most Improved Swimmers sina Richelle Anne Callera (female) at Master Charles Janda (male).
- Latest