^

PM Sports

Masama ang laro ni LeBron

Pang-masa

CLEVELAND – Ito na ang pinakamasamang inilaro ni LeBron James sa playoffs.

At hindi ito natapos sa loob ng basketball court.

Nakipagsagutan si James sa isang fan matapos makabangon ang Boston Celtics mula sa 21-point deficit sa third quarter at talunin ang Cavaliers sa Game 3 ng kanilang Eastern Conference Finals.

Sa kanyang pagla-lakad sa hallway sa loob ng Quicken Loans Arena para sa postgame news conference ay binuska si James, tumapos na may 11 points, ng isang fan dahil sa kanyang masamang inilaro.

Bumalikwas si James at sinabihan ang lalaki na ulitin nito ang kanyang sinabi. Kaagad sumugod ang mga security para ilayo si James na dumiretso sa podium.

“I had a tough game, period,” wika ni LeBron. “Not just in the second half. Me, personally, I didn’t have it. My teammates did a great job of keeping us in the game, building that lead. But me, personally, I didn’t have it. That’s all I’ve got to say about my performance.”

Hindi nakaiskor si James sa fourth quarter at nagtala ng 1-for-8 fieldgoal shooting.

Nagtala siya ng 1 rebound at 1 assist sa kabuuan ng second half.

Ito ang pinakamababang point total ni James sa playoffs matapos siyang malimitahan sa 7 points habang naglalaro para sa Miami Heat noong 2014 conference finals laban sa Indiana Pacers.

Bago ang pagbangon ng Boston ay bitbit ni James ang 49-0 record sa playoff games kapag ang kanyang koponan ay lumamang ng 20 points.

Tumipa si James ng 4 of 13 fieldgoal attempt at may 0-of-4 clip sa 3-point line.

“He’s human, so he’s going to have a night like this,” pagdedepensa ni Cavs coach Tyronn Lue. “He didn’t shoot the ball well, and we still had a 20-point lead. A game we should have won, but they played hard.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with