MANILA, Philippines - Sadyang determinado si Alyssa Valdez na makasama sa 18-player national women's pool na sasabak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.
Ito ay matapos ma-kipag-usap si Valdez kina Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. acting president Peter Cayco at national women's coach Francis Vicente.
“She went to Peter Cayco and Francis Vicente to talk,” wika ng isang source sa ginawa ng Creamline star.
Kinumpirma naman ni Cayco, responsable sa pagproseso sa International Transfer Certi-ficates ng mga imports na naglalaro sa Premier Volleyball League, ang pag-uusap nila ni Valdez.
“Yes, its true we talk,” sabi ni Cayco kay Valdez, tumayong flag bearer ng Team Philippines noong 2015 SEA Games sa Singapore.
Lumabo ang tsansa ni Valdez na mapasama sa national pool nang hindi siya nagpakita sa ‘Clash of Heroes’ noong Lunes sa San Juan.
Ito ay dahil mas pi-nili ng Creamline na ipahinga siya para sa susunod nilang laro sa PVL kinabukasan.
Sinasabing sumama ang loob ni Valdez kay Vicente, dati niyang coach sa high school, nang sabihin nito sa media na isang beses lamang siya dumalo sa limang ensayo ng natio-nal pool.
Dahil sa kanyang pakikipag-usap kina Cayco at Vicente ay inaasahang mapapabilang si Valdez sa 18-player national pool na naka-takdang ihayag ngayon sa Arellano University campus sa Pasay City.
Samantala, nakipag-kita din sina Erickson Ramos, Bonjomar Castel at Mark Alfafara Cignal kay national men's team mentor Sammy Acaylar kahapon.
Inalis sina Ramos, Castel at Alfafara sa national pool nang isnabin ang ‘Clash of Heroes’ dahil sa utos ng Cignal.
Sinabi ni Acaylar na lubha siyang naawa sa tatlong players.
“I was touched when they personally talked to me. Who am I to deprive the national team of such talents,” wika ni Acaylar kina Ramos, Castel at Alfafara.
Inaasahang ibibilang ni Acaylar ang tatlo sa national men’s team para sa Kuala Lumpur SEA Games.