^

PM Sports

Power SmaShers dinurog ang Phl Air Force

Pang-masa
Power SmaShers dinurog  ang Phl Air Force

Humataw si Andrea Marzan ng Power Smashers laban kina Angel Mae Antipuesto at Joy Gazelle Cases ng Air Force.  (PM photo  ni Joey Mendoza)
 

MANILA, Philippines -  Dinispatsa sa three sets lamang nina Regine Arocha, Jovielyn Prado at Dimdim Pacres ng Power Smashers ang nangulelat na Philippine Air Force, 25-23, 25-20, 25-22 kahapon sa pagpapatuloy ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Humataw si Prado ng 16 puntos kabilang na ang 13 atake habang ipinakita naman ni Pacres ang husay sa kills para sa ikatlong panalo ng Power Smashers sa limang laro at tinapos ang first round elimination sa ikalawang puwesto sa 3-2 kartada sa likuran ng solo leader  na BaliPure na may malinis na 3-0 win-loss card.

Binitiwan ng Power Smashers ang matinding 44 atake at nalimitahan nila ang errors sa 17 sa loob ng 78-minute na laro. Si Arocha at Andrea Marzan ay umiskor din ng tig-sampung puntos bawat isa.

“Noong last two games namin sabi ko sa kanila, medyo kulang sa endurance, so kailangang tumaas ang energy level  natin sa laban,” sabi ni Power Smashers coach Nes Pamiliar.

Natamo naman ng Air Force Jet Spikers ang kanilang ikaapat na talo sa limang laro at nanatili sa ilalim ng standing. Pinagunahan ni Mary Ann Pantino ang Jet Spikers sa kanyang 16 puntos at 12 naman mula kay Iari Yongco.

“Sinasabi ko nga na ‘yong mga players ko ngayon ay mga active players pa at naglalaro pa sa kanilang school. Iyong mga kalaban naman namin, ang iba ay mayroon nang mga trabaho kaya kailangan namin na mas tumatagal sa laban,” dagdag ni Pamiliar.

Samantala, sa wakas pumasok na rin sa win column ang Instituto Estetico Manila matapos pataubin ang dating wala pang talong Sta. Elena Wrecking Balls, 22-25, 25-23, 28-26, 25-22 sa men’s division.

Umiskor ang dating Far Eastern University player na si Greg Dolor ng 28 puntos para masungkit ang unang panalo sa tatlong laro at ihatid din ang unang talo ng Wrecking Balls sa tatlong laban.

Dahil sa talo, bumagsak ang Sta. Elena sa ikala-wang puwesto sa likuran ng sosyong Philippine Army at Cignal HD sa liderato sa parehong 2-0 win-loss kartada.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with