Golden State lusot pa rin kahit maraming palpak

OAKLAND, California -- Sa kabila ng malam-yang depensa at itinalang 17 turnovers ay nakamit pa rin ng Golden State Warriors ang kanilang ikaanim na sunod na panalo sa post-season matapos lusutan ng Warriors ang Utah Jazz, 115-104 para angkinin ang 2-0 kalamangan sa kanilang NBA Western Conference second-round playoff series.

“It wasn’t easy,” sabi ni assistant coach Mike Brown, pansamantalang pumalit kay head coach Steve Kerr. “We felt it. We know we can play better. We broke down in a lot of areas where we should have been better.

Bumandera si Draymond Green sa maagang pa-nanalasa ng Golden State para tumapos na may 21 points tampok ang limang three-pointers.

Nagtala si Kevin Durant ng 25 points, 11 rebounds at 7 assists habang nagposte si Stephen Curry ng 23 points at 7 assists para sa Golden State.

“We did some nice things,” wika ni Brown. “We had 33 assists, we held them to five offensive rebounds. We got the ‘W’.”

Nagkaroon ng sagot ang Warriors sa bawat pagbabanta ng Jazz -bagama’t napuwersa sa 17 turnovers na nagbigay sa Utah ng 22 points.

Tumipa naman si Gordon Hayward ng 33 points para sa Jazz na naglaro nang wala si injured point guard George Hill.

Sa Washington, diniskaril ng Wizards ang ha-ngarin ng Boston Celtics na makuha ang 3-0 bentahe nang agawin ang 116-89 panalo para sa kanilang 1-2 agwat sa Eastern Conference semifinals series nila.

Show comments