Lady Spikers lumapit sa back-to-back title

MANILA, Philippines - Nakauna ang nagde-depensang De La Salle University sa UAAP Season 79 women’s volleyball championship kontra sa karibal na Ateneo, 21-25, 29-27, 25-22, 25-20, sa Game One kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City kahapon.

Pumalo ng 15 puntos si sophomore hitter Tin Tiamzon sa kanyang unang pagkakabilang sa starting line-up sa isang Finals game, habang humirit ng 14 puntos si Kim Dy para pamunuan ang Lady Spikers na lumapit sa inaasam na back-to-back champhionships.

Ito ang unang panalo ng La Salle sa Ateneo ngayong season matapos matalo sa kanilang unang dalawang laban sa elimination round.

“Sa training iyan ka-si kapag nagre-review ako ng game nakikita ko ‘yung difference ng bawat team so siguro naghahabol lang kami sa depensa,” sabi ni La Salle coach Ramil De Jesus.

Gumawa naman ng 37 excellent sets ang ka-nilang kapitan at Best Setter na si Kim Fajardo na nalalapit na sa pagtatapos ng kanyang collegiate career, habang gumawa rin ng tig-10 puntos sina Majoy Baron at open hitter Desiree Cheng.

Sa men's division, nakalusot sa pagkakasilat ang Ateneo, ang back-to-back defending kings, matapos makabalik mula sa dalawang set na pagkakaiwan at kunin ang 25-22, 21-25, 22-25, 25-18, 15-13 panalo kontra sa National University.

Nanguna sa nasabing panalo si three-time MVP Marck Espejo na tumipa ng 29 puntos, 25 rito ay attack points.

Ito ang ika-15 sunod na panalo ng Blue Eagles ngayong taon matapos ang 14-0 sweep. FMLumba

Show comments