MANILA, Philippines - Nagtala ng buwenamanong tagumpay ang Bali Pure habang sinilat naman ng Power Smashers ang nagdedepensang Pocari Sweat sa pagbubukas ng Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Pinasadsad ng Bali Pure ang Philippine Air Force sa 21-25, 25-19, 25-19, 25-21 habang pinatikman ng Power Smashers ang Pocari ng 5-9, 25-22, 25-21 kabiguan.
Nakalikom si Grethcel Soltones ng kabuuang 16 puntos mula sa 14 attacks, isang block at isang ace at nakakuha ito ng malakas na suporta mula kay Fi-lipino-Japanese Risa Sato na humataw ng 12 puntos.
Nanguna naman si Regine Arocha sa matikas na kamada ng Power Smashers matapos pakawalan ang 11 puntos mula sa siyam na atake, isang block at isang ace.
“Masyado kaming matamlay at mabagal kanina sabi ni coach (Roger Gorayeb) kaya binilisan lang namin sa mga sumunod na sets. In-enjoy lang na-ming yung laro, nagkukulitan lang kami sa court,” wika ni Soltones na naglaro rin para sa Foton Tornadoes sa Philippine Superliga Invitational Conference.
Maganda rin ang inilaro ni FEU standout Jerilli Malabanan na naglista ng 12 puntos kabilang ang game-winning hit.
“Medyo nagkakapaan pa sila dahil hindi naman talaga sila magkakasama sa team before. May konting hiyaan pa, hindi mo rin naman maaalis yun. Pero hopefully, mas maging solid na ang galaw namin sa next games,” ani Bali Pure coach Roger Gorayeb.
Subalit bigo ang Air Force, runner-up noong nakaraang All-Filipino Conference, na makakuha ng suporta sa iba pang manlalaro para tuluyang lasapin ang kanilang unang kabiguan.
Hindi nakapaglaro ang imports na sina American Jennifer Keddy at Thai spiker Jaroensri Bualee para sa Bali Pure gayundin si Patcharee Sangmuang para sa Air Force dahil sa kawalan ng International Transfer Certificate.