Gilas kailangang mag-balancing act
Nasa homestretch na ng competition sa training ang Gilas pool dahil nakatakda nang ihayag ni national coach Chot Reyes sa April 28 ang kanyang Final 12 para sa SEABA Championship na didribol sa May 12-18 sa Smart Araneta Coliseum.
Hindi mahirap hulaan ang bubuo ng core group ni coach Chot sa FIBA sub-zone tournament na ito na magsisilbing qualifier para sa 2017 FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa Agosto.
Inaasahang sina naturalized player Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Troy Rosario, Calvin Abueva, Allein Maliksi, Jason Castro at Terrence Romeo ang mangunguna sa koponang ito.
Sina Matthew Wright, Roger Pogoy at Jio Ja-lalon ang tingin kong mga rookies na kukumpleto ng lineup.
“Madali ang pagbuo ng team para sa SEABA. Mahirap ang pagbalanse ng two separate teams para sa Asia Cup at the SEA Games,” ani Gilas assistant coach Jong Uichico.
“Madali iyan kung basketball lang ‘yan. Kaso we have our constraints,” dagdag pa ni Uichico sa balancing act na kailangan nilang gawin, bagay na hindi kakaharapin ng mga makakalaban natin sa FIBA Asia Cup.
Problemado ang Gilas dahil overlapping ang schedules ng Asia Cup at SEA Games.
Kaya’t kailangan ng Gilas coaching staff na bumuo ng dalawang koponan.
Walang dudang kailangang bumuo ng mas ma-lakas na team sa Asia Cup kung saan haharapin natin ang Australia, New Zealand, China, Iran at iba pang pangunahing koponan sa rehiyon.
Ngunit kailangan ding makabuo ng second team na kayang idepensa ang ating titulo sa SEA Games.
“Mahirap ang pagbuo ng dalawang teams na ito,” ani Uichico, ang malamang na humawak ng Phl SEAG team.
*****
Ngayong wala na sina Jeff Chan, Dondon Hontiveros, Larry Fonacier at Gary David, sina Maliksi at Wright ang nakikita ni Uichico na lulutang bilang mga Gilas gunners.
“Sila ‘yong pinaka-shooters sa ensayo natin,” paliwanag ni Uichico.
Nariyan din sina Castro at Romeo na pawang point guard na may magandang three-point shoo-ting.
Si Rosario naman ang nakikitang kukuha ng da-ting papel ni Ranidel de Ocampo bilang “stretch-four” o big forward na may tira sa labas.
DATOS: Magpapatakbo ng tryout ang New Era varsity team ngayon at sa Huwebes sa ganap na ala-1 ng hapon sa kanilang gym sa Central Ave., Diliman, Quezon City. Para sa detalye ay tawagan ang 09209141824 o 09164365213.
- Latest