Harden kumpiyansa sa MVP
SACRAMENTO -- Nagparamdam na si James Harden ng Houston Rockets kaugnay sa debate sa kanila ni Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder para sa NBA MVP award.
Ayon kay Harden, ang panalo ang pinakamahalagang istatistiko sa pagpili ng top player sa season.
Nang tanungin tungkol sa MVP debate sa kanila ng dati niyang teammate sa Oklahoma City, sinabi ni Harden na ang player na nakapagbigay ng panalo sa kanyang koponan ang makakakuha sa award.
“I think that’s the most important thing. I thought winning is what this is about, period,” wika ni Har-den, naitala ang kanyang ika-21 triple-double sa season sa135-128 panalo ng Rockets laban sa Kings.
“I’m not going to get in-depth with all that, but I thought winning was the most important thing. If you set your team up in a position to have a chance, at the ultimate goal, that’s the most important thing,” dagdag pa ni Harden.
Itinaas ng Rockets ang kanilang record sa 54-26, habang may 46-34 naman ang Thunder.
- Latest