^

PM Sports

L.A. Clippers pinisak ang Spurs; Durant nakatulong sa Warriors

Pang-masa

SAN ANTONIO - Pinalawig ng Los Angeles Clippers ang kanilang arangkada sa limang sunod matapos talunin ang Spurs, 98-87.

Umiskor si guard Chris Paul ng 19 points, habang kumolekta si center DeAndre Jordan ng double-double sa kanyang tinapos na 17 points at 17 rebounds para sa Los Angeles.

Nagdagdag sina Blake Griffin at Jamal Crawford ng 18 at 12 points, ayon sa pagkakasunod, para sa ika-49 panalo ng Clippers, nasa pang-limang puwesto sa Western Conference sa ilalim ng Utah Jazz (49-30).

Nalasap ng San Antonio ang kanilang ikalawang kabiguan sa hu-ling tatlong laro, ngunit nanatiling hawak ang second spot sa West sa kanilang 61-19 kartada kasunod ang Houston Rockets (53-26).

Humataw si Kawhi Leonard ng 28 points, samantalang nag-ambag si LaMarcus Aldridge ng 18 points para sa Spurs.

Sa Oakland, naglaro si Kevin Durant sa loob ng 31 minuto sa kanyang pagbabalik mula sa injury at nagtala ng 16 points at 10 rebounds para sa 123-101 paggiba ng Golden State Warriors laban sa bisitang New Orleans Pelicans.

Naupo sa 19 games dahil sa isang knee inju-ry, nagposte si Durant ng mahinang 6-for-15 fieldgoal shooting at may 0-of-4 clip sa three-point line.

Hindi naglaro si Stephen Curry dahil sa isang bruised left knee para sa Golden State, iti-nala ang kanilang NBA-best record na ika-66 pa-nalo sa 80 games.

Umiskor si Klay Thompson ng 20 points para sa pang-14 sunod na arangkada ng Warriors na ipinalasap sa Pelicans ang ikaapat na dikit nitong kabiguan at ika-47 sa 80 laban.

Sa Portland, nagpa-sabog si Damian Lillard ng franchise record na 59 points para banderahan ang Trail Blazers sa 101-86 panalo kontra sa Utah Jazz.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Portland para sa kanilang 40-40 record at manatili sa eighth spot sa Western Conference.

Nasa ninth spot naman ang Denver Nuggets sa kanilang 38-41 baraha.

Naduplika din ni Lillard ang kanyang career high na siyam na triples.

Si Maurice Harkless ang isa pang Portland player na nagtala ng double figures sa kanyang 12 points.

Nagwakas naman ang two-game winning run ng Jazz.

Nagposte si Gordon Hayward ng 21 mar-kers para sa Utah, habang nagtala si Rudy Gobert ng 13 points at 11 rebounds.

CHRIS PAUL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with