^

PM Sports

Wade babalik na, Thompson nagka-injury

Pang-masa

CHICAGO - Ang ulat tungkol sa pagbabalik ni Dwyane Wade mula sa right elbow injury ay hindi masasabing maka-kabuti para sa Bulls.

Sa 10 beses na hindi paglalaro ng 35-anyos na si Wade, nasa una niyang season para sa kanyang hometown team ay nagtala ang Chicago ng 6-4 record para tumabla sa No. 7 spot sa kanilang 32-36 baraha sa Eastern Conference.

Nakuha ng veteran shooting guard ang injury nang magkabanggaan sina Memphis Grizzlies forward Zach Randolph at Bulls big man Cristiano Felicio noong March 15 sa United Center.

Inaasahang muling makikita sa aksyon si Wade sa huling tatlong laro ng Chicago sa regular-season.

Sa Cleveland, nagkaroon si Cavaliers center Tristan Thompson ng sprained right thumb at hindi nakalaro sa kanilang first-place showdown ng Celtics sa Boston.

Ang injury ang tumapos sa 447 sunod na pag-lalaro ni Thompson na isang team record at ang pinakamahabang active stretch sa liga.

Nagsimula ang nasabing streak noong Pebrero 10, 2012, ang rookie season ni Thompson.

“He’s hurt. He’s out tonight and he’s out Friday. That’s all I know,” sabi ni Cavaliers coach Tyronn Lue kay Thompson, pinalitan ni Channing Frye sa center position.

 

DWYANE WADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with