^

PM Sports

Isa na lang ang natitira

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatuon na lamang ngayon kay welterweight Joel Bacho ang pag-asa ng ABAP national boxing team matapos magwagi laban kay Huang Zhao Ching ng Taiwan, 5-0 sa quarterfinal round ng 2017 King’s Cup Boxing Tournament na ginaganap sa Queen Sirikit Sports Complex ng Thanyaburi District, Pathum Thani Province ng Thailand.

Sa panalo ng 24-anyos na si Bacho, nanatili ang pag-asa na mag-uwi ng gintong medalya sa torneo pagkaraang makatikim ng talo ang limang kasamahan sa boxing team.

Ngunit bigatin din ang susunod na laban ng tubong Mandaluyong City na si Bacho dahil  makakaharap niya ang 2016 World Youth Championship gold medalist na si Akhmedov Sadriddin sa semifinal round.

Inumpisahan ni Bacho ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng 3-1 upset win kontra sa paboritong si Arisnoidys Despaigne na taga-Cuba at beterano sa World Series of Boxing at AIBA Pro Boxing noong Martes.

“I know he’s good but I gained a lot of confidence with that win over the Cuban. Hopefully, it will carry me to the Finals and a possible gold here,”  sabi ni Bacho.

Hindi naipagpatuloy ng koponan ng Amateur Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) ang magandang umpisa matapos manalo ng anim na laban sa unang araw.

Natapos ang pag-asa ng 18-anyos na si Carlo Paalam ng Cagayan de Oro City nang matalo kay 2016 Rio Olympics gold medalist at 2016 AIBA Boxer of the Year Dusmatov Hasanboy ng Uzbekistan, 0-5 sa kanilang light flyweight (49-kgs) division.

Kahit si flyweight Ian Clark Bautista, ang 2015 Southeast Asian Games gold medalist at si bantamweight Mario Fernandez ay natalo rin sa magkahiwalay na laban sa mga kamay ng mga boksingerong parehong mula sa host Thailand.

Si James Palicte ay talo rin kay Akhmadaliev Murodjon ng Uzbekistan na isang bronze medalist sa nakaraang 2016 Olympics sa Rio de Janiero, Brazil.

Natalo si Eumir Felix Marcial kay Osley Iglesias Estrada ng Cuba sa split decision, 2-3 sa middleweight (75-kgs) category. - FCagape

 

JOEL BACHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with