Knockout ang gusto ni Koncz mula kay Pacquiao vs Horn

MANILA, Philippines - Isang mabilis na knockout o kumbinsidong panalo.

Ito ang inaasahan ni Michael Koncz na gagawin ni Manny Pacquiao sa kanyang title defense laban kay Australian contender Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Ayon kay Koncz, ang Canadian business adviser ni Pacquiao, pagkatapos dispatsahin si Horn ay lalabanan naman ng Filipino world eight-division champion si dating British light welterweight king Amir Khan sa Oktubre o Nobyembre.

“Manny will train and do the best he can and hopefully we get the fight over with very quickly, we get out of there, we say hi to the Australian fans and media and come home,” wika ni Koncz sa pa-nayam ng Fox Sports Australia.

Itataya ng 38-anyos na si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ang kanyang hawak na World Boxing Organization welterweight crown laban sa 29-anyos na si Horn.

Ayon kay Koncz, mas gusto pa din niyang labanan ni Pacquiao ang 30-anyos na si Khan (31-4-0, 19 KOs) kaysa kay Horn.

 “Frankly and honestly, and nothing against Jeff Horn -- I’ve never met the kid, I don’t know him personally -- but the name re-cognition is I guess why the fans picked Amir Khan,” wika ni Koncz kay Khan na pinili ng mga fans ni Pacquiao sa isang online voting.

Tiyak na pipilitin ni Pacquiao na pabagsakin si Horn na hindi pa niya nagagawa sapul nang umiskor ng KO victory laban kay Puerto Rican star Miguel Cotto para sa WBO welterweight belt noong Nobyembre ng 2009.

Nabigo ang isang investment group sa United Arab Emirates na ipakita kay Pacquiao ang ipina-ngako nitong premyong $38 milyon para labanan si Khan sa Dubai.

Dahil dito ay muling itinakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang title defense ni Pacquiao kontra kay Horn.

“We signed it, so yeah, we’re excited about it. But again, my preference was to fight Amir Khan,” sabi ni Koncz sa pagpirma ni Pacquiao sa fight contract. “That didn’t work out. We had this on the table so we decided to take it.” - RC

 

Show comments