^

PM Sports

6 Pinoy boxers umusad sa 2nd round

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagwagi ang lahat ng anim na Pinoy amateur boxers na lumaban sa unang araw kahapon ng 2017 King’s Cup Boxing Tournament na ginanap sa Queen Sirikit Sports Complex ng Thanyaburi District, Pathum Thani Province ng Thailand.

Unang nanalo si Joel Bacho laban sa World Series of Boxing at AIBA Pro Boxing veteran na si Arisnoidys Despaigne ng Cuba, 3-1.

Si Eumir Felix Marcial naman na ngayon ay lu-malaban na sa mas mataas na timbang na middleweight (75-kls.) ay nanalo rin via technical knockout (TKO) kontra kay Ren Umemura ng Japan.

Hininto ng referee ang laban pagkatapos sa sunud-sunod na left straight na suntok ni Marcial bunga ng pagka-glassey-eyed at sugat na ilong ni Umemura sa huling round ng laban.

Hindi rin kinabahan si Bacho, taga-Mandaluyong City sa laban niya kontra kay Despaigne at kumonekta siya ng maraming suntok tungo sa magandang panalo.

“Joel used his head. Cuban coach Enrique Steiner came over to congratulate us and concede that they were unprepared for a much-improved Bacho. I think Joel’s time has come,” sabi ni national boxing coach Pat Gaspi.

Ang iba pang Filipino boxer na nagpakita ng pag-asa sa unang araw ay ang 21-anyos na si James Palicte na nanalo rin ng TKO laban kay Patrrick McLaughlin ng Australia.

Tinamaan ni Palicte ang Australianong si McLaughlin ng dalawang sunod na right straight sa mukha na siyang dahilan para ihinto ng ring physician ang laban kontra sa duguang kalaban.

Si Carlo Paalam naman ay nanalo ng unanimous decision kontra kay Alex Winwood ng Australia , 5-0, at Ian Clark Bautista laban kay Juhyeon Chloe ng Korea, 5-0. Si Mario Hernandez na nagpakita rin ng gilas sa pamamagitan ng parehong 5-0 panalo.

Ang panalo ng mga Pinoy boxers sa umpisa ng kompetisyon ay ikinagalak naman ni Amateur Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas.

“This is an excellent start, a perfect 6-0. But you must always be on your toes, there are bigger tasks ahead. I will constantly be praying for our boxers’ safety and success,” sabi ni Vargas na isang PLDT executive sa kanyang text message kay Picson. “I would like to thank Chairman Butch Ramirez of the Philippine Sports Commission for his all-out support for the team.”

Mahigit 18 na bansa ang sumabak sa taunang- torneo at tatlong koponan naman mula sa host Thailand. Ang mga paboritong bansa na inaasahang magdodomina ay ang Cuba, Uzbekistan, Kazakhstan Mongolia at host Thailand.

JOEL BACHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with