^

PM Sports

Bakit ayaw pang pumirma ni Manny?

Abac Cordero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ano nga ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinipirmahan ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang fight contract para labanan si Australian contender Jeff Horn?

Ayon sa isang reliable source mula sa Team Pacquiao, umaasa pa rin ang Filipino boxing superstar na matutuloy ang ipina-ngakong $38 milyon ng isang investment group sa United Arab Emirates.

“Hindi niya type labanan si Horn,” sabi kahapon ng nasabing source kay Pacquiao. “Hinihintay pa din niya ‘yung offer sa Abu Dhabi na mas malaki ang purse.”

Ibinasura ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang naturang laban ni Pacquiao kay Amir Khan sa Dubai matapos mabigo ang naturang UAE group na mailabas ang $38 milyon.

Kaya naman muling ipinursige ni Arum ang paghahamon ni Horn kay Pacquiao.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao sa panayam ng Fox Sports na hindi niya kilala si Horn, ang unbeaten Australian na may 16-0-1 win-loss-draw ring record.

Sakaling tuluyan nang mawala ang UAE offer ay saka lamang papayag ang 38-anyos na si Pacquiao na labanan ang 29-anyos na si Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane.

Kamakailan ay sinabi ni Arum na hinihintay lamang niya ang pagpirma ni Pacquiao sa fight contract para sagupain si Horn.

“On the Australian side everything is done. Jeff Horn has signed the contract,” wika ni Arum noong Sabado.

Dinoble ng Duco Events, ang promoter ni Horn, sa $10 milyon ang kanilang naunang alok na $5 milyon kay Pacquiao.

“When we believe the terms and conditions of an agreement are in Manny’s best interest then we will sign  -- simple as that,” sabi ni Michael Koncz, ang Canadian business adviser ni Pacquiao.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with