^

PM Sports

Schaudt makakatuwang ni Valdez sa Creamline

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para mapalakas pang lalo ang koponan, kinuha ng Creamline Cool Smashers ang serbisyo ng dating Ore-gon State player Laura Schaudt bilang import sa Premier Volleyball League (PVL) season-opening  Reinforced Conference na magbubukas sa Abril 30 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Pangungunahan ni Alyssa Valdez ang kampanya ng Creamline Cool Smashers. Si Valdez ay naglalaro  ngayon sa 3BB Nakornnont ng Thailand League bilang kauna-unahang Pilipinong import ng Thai League.

Ikinalulugod ni Valdez na makakasama niya ang 6’5 middle at opposite blocker na si Schaudt sa Creamline Smashers.

“She will be a big addition to our team and we hope we’ll do good this coming PVL conference,” sabi ni Creamline team manager Sherwin Malonzo.

Bukod kina Valdez at Schaudt ang iba pa miyembro ng Creamline ay sina Coleen Bravo ng University of Perpetual Help, Francesca Racraquin ng San Beda College, Pau Soriano ng Philippine Navy at ang nagbabalik na sina Joyce Palad ng University of the Phlippines, Ivy Remulla ng De La Salle at Aerieal Patno-ngon ng Ateneo, Janet Serafica ng Adamson at Jamela Suyat ng Perpe-tual Help.

Ang Ateneo coach na si Tai Bundit ang head coach ng Cool Smashers na pag-aari ng kompanyang Rebisco na sumusuporta rin sa Ateneo men’s and women’s teams sa UAAP.

Si Schaudt ay dating naglalaro sa Oregon State sa loob ng limang taon at  pumasok sa Sweet 16 ng US NCAA Division I tatlong taon na ang nakaraan.

Ayon kay Malonzo, sa ngayon ay naghahanap pa sila ng ikalawang import para makasama ni Schaudt.  Ang PVL ay nagpahintulot ng dalawang import para sa Reinforced conference.

Ang iba pang kasama sa opening conference ay ang defending champion Pocari Sweat, Air Force at tatlo pang iba kabilang na ang grupo ng Beach Volleyball Republic ni Charo Soriano at Jerry Yee ng University of the Philippines bilang coach.

 

ALYSSA VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with