Kobe Shinwa tinalo ang Petron para sa PSL title

MANILA, Philippines - Nakabangon ang guest team na Kobe Shinwa Women’s University ng Japan mula sa kabiguan sa third set para balikan ang Petron, 25-17, 25-19, 21-25, 25-18, at angkinin ang korona ng 2017 Belo Phi-lippine Superliga (PSL) Invitational Conference kagabi sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Humataw si Mariko Fujiwara ng 13 kills pa-ra tumapos na may 14 points, habang nag-ambag si Kana Edamatsu ng 13 hits para sa Japanese squad.

“We had fun facing your team,” ani Japanese coach Kiyokazu Yamamoto. “We hope you learned something from us the same way we learned something from you.”

Hinirang namang co-champion ang Cignal makaraang kunin ang 25-20, 25-18, 25-22 panalo laban sa Foton, habang giniba ng Generika-Ayala ang Cocolife, 25-18, 26-24, 26-24, para upuan ang fourth place.

Tumapos sa third place ang Petron, bumandera sa classification phase, matapos isuko ang four-set loss sa Cignal sa opening match ng final round no-ong Huwebes.

Hinirang si Jovelyn Gonzaga ng Cignal bilang Most Valuable Player, habang kinilala sina Frances Molina ng Petron at Rachel Anne Daquis ng Cignal bilang Best Outside Hitters.

Sina Chichiro Fujiwara ng Kobe Shinwa at Maica Morada ng Cignal ang Best Middle Blockers at si Mary Grace Berte ng Foton ang Best Opposite Spi-ker.

Kinilalang Best Setter si Chie Saet ng Cignal, habang si Jheck Dionela ng Cignal ang Best Libero.

Sinandigan ng HD Spikers sina Cherry Vivas at Paneng Mercado katuwang sina Gonzaga, Royse Tubino at Janine Marciano para talunin ang Tornadoes.

Nanguna naman sina Patty Orendain at Gen Casugod, habang patuloy ang magandang pag-lalaro ni Fiola Ceballos para sa panalo ng Lifesavers laban sa Asset Mana-gers.

Nagtala si Orendain ng 13 attacks para tumapos na may 15 points at nag-ambag si Casugod ng 13 markers tampok ang 3 aces.

 

Show comments