May magaling na junior long jumper

MANILA, Philippines - Pagkaraan ng mahigit 18 taon, sa wakas naitala ang panibagong national record sa boys juniors long jump sa pamamagitan ni Jose Jerry Belibestre ng Negros Occidental na nagtala ng 7.43 meters para angkinin ang gintong medalya sa ikalawang araw ng 2017 Ayala-National Open Invitational Athletics Championships sa Ilagan City Sports Complex ng Ilagan, Isabela.

Binura ng 19-anyos na si Belibestre ang dating national record na 7.41-meter ni Joebert Delicano na kanyang naitala sa Arafura Games ng Darwin, Australia noong 1999.

Si Jericho Hilario ng San Beda College ay pumangalawa sa kanyang 6.82-meter at pangatlo si Jhaelord Adriano ng Isabela State  University sa marka na 6.80-meter.

Malaki rin ang pag-asa ni Belibestre na isang third year BS Education student ng University of Negros Occidental-Recoletos dahil ang kanyang personal best ay 7.53 meters na kanyang ginawa sa Bacolod City noong nakalipas na taon.

“I’m in good condition right now, that’s why I won the gold in this event. Kahit man malayo sa aking personal best ang nagawa ko ngayon, but I’m still very satisfied n especially because it’s a new national record,” sabi ni Belibestre.

Dahil sa kanyang tagumpay, inalok siya na sumali sa national training pool at magpapatuloy sa kanyang ensayo sa pag-iingat ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), ngunit tinanggihan ito ni Belibestre dahil gusto niyang sa Bacolod pa rin mag-aaral at doon na rin magpatuloy sa ensayo.

“He is the No. 1 junior’s player right now, but he still not a member of the national pool. Sabi nila, puwede siyang ma-ging miyembro ng developmental pool kung sa Manila siya magpapatuloy ng pag-aaral. Pero ayaw ni Belibestre dahil gusto niyang sa Bacolod pa rin mag-aaral at ako pa rin ang kanyang trainer,” ayon sa coach ni Belibestre na si Luis Arca.

Samantala,  matagum-pay na naidepensa ni  Ma-restella Torres-Sunang ang kanyang  ginto sa women’s long jump sa pagtalon ng 6.14m kung saan naungu-san nito sina Kat Santos na may 6.01m at Isabela State U pride na si Clarice Ancheta na tumalon ng 4.25m. (FCagape)

Show comments