SAN ANTONIO – Hindi nagkaroon ang Portland Trail Blazers ng isang team meeting o sigawan matapos ang kanilang “worst loss” ngayong season.
Ang masikip na NBA schedule ang kaagad tumakip sa naturang kabiguan ng Portland na nagresulta sa kanilang “best win of the year” 24 oras makaraan ang blowout loss sa New Orleans Pelicans.
Nagpasabog si Damian Lillard ng 36 points para giyahan ang Trail Blazers sa 110-106 panalo laban sa San Antonio Spurs na dumiskaril sa pagbabalik sa line-up ni LaMarcus Aldridge.
Nagdagdag si C.J. McCollum ng 26 points para sa Portland, nanggaling sa 23-point loss sa New Orleans noong Martes.
“That had to be probably our best win of the year,” sabi ni Blazers coach Terry Stotts. “To beat a team like San Antonio on the road. Not only that, but how we won. I thought it was one of our better games as far as staying focused throughout the game.”
Nagbalik naman si Aldridge sa lineup ng San Antonio matapos ipa-hinga ng dalawang laro bunga ng isang minor heart arrhythmia.
Tumapos siya na may 19 points at 7 rebounds, habang umiskor si Kawhi Leonard ng 34 points para sa Spurs (52-15), nauna nang naipanalo ang 11 sa huli nilang 12 laro.
“Lillard and McCollum were super, but I thought they executed their offense great,” sabi ni San Antonio coach Gregg Popovich. “We just didn’t guard them tonight as well as we needed to.”
Sa Miami, naglaro si Goran Dragic na may black eye at dumudugong bibig para kumamada ng 33 points, samantalang kumolekta si Hassan White-side ng 20 points at 17 rebounds para tulungan ang Heat sa 120-112 panalo laban sa Pelicans.
Nag-ambag si Wayne Ellington ng 19 para sa Heat, nagsalpak ng 16 three-pointers, habang may 14 markers si Dion Waiters kasunod ang tig-10 nina James Johnson at Tyler Johnson.