^

PM Sports

3 sport idinagdag sa Palaro

Francisco Cagape - Pang-masa

CEBU, Philippines - Dalawang demonstration sports at isang de-monstration event ang idinagdag sa 60th edis-yon ng prestihiyosong Palarong Pambansa na gaganapin sa unang pagkakataon sa San Jose de Buenavista sa  Antique sa April-23-29.

Sa unang pagkakataon matutunghayan ang pencak-silat at dancesports bilang demonstration sports habang ang aerobic gymnastics ay kasali na bilang demonstration event sa naturang isang linggong paligsahan para sa mga elementary at high school student athletes.

Bilang pagsuporta sa administrasyon ni Pangu-long Rodrigo Duterte, dala ng taunang Pala-ro ang temang “Youth Empowerment Through Sports.”

Sabi ni Antique Governor Rhodora “Dodod” Cadiao na ibi-nigay ng probinsiya ang buong suporta para ma-ging matagumpay ang una nitong hosting ng Palarong Pambansa na inaasahang sasalihan ng mahigit 10,000 athletes at mga opisyales mula sa 18 regions ng bansa.

Ang Palarong Pambansa ay isinagawa base sa Republic Act No. 10588 para sa promotion ng phyiscal education at sports bilang integral part ng basic education curiculum.

Sa unang edisyon noong 1948, ang Pala-rong Pambansa ay pinagmumulan ng mga atleta sa national team kagaya nina Lydia de Vega-Mercado, Elma Muros-Posadas, Eric Buhain at Ma-restella Torres.

May kabuuang 18 regular sports diciplines ang paglalabanan sa Palaro kabilang na ang archery, arnis, aquatics, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, futsal, gymnastics, sepak-takraw, softball, table tennis, taekwondo, lawn tennis at volleyball.

PALARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with