MANILA, Philippines - Inihayag ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang paglulunsad ng SMART/MVP Sports Foundation Taekwondo Summer Program sa April 3, 2017 sa buong bansa.
Katulong ang PLDT, Meralco, TV5, Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at Milo, ang pinakahihintay na martial art event ay idaraos hanggang June 5 ng PTA, affiliate ng World Taekwondo Federation, POC at PSC.
Ang two-month program ay gaganapin sa lahat ng PTA branches sa Metro Manila, regions 1-12, CAR, ARMM, CARAGA, PNP at AFP.
Ang mga interesadong sumali ay maaaring tumawag sa PTA sa tel. nos. 522-0518, 522-0519 at 522-0457 o mag-email sa philippinetaekwondo@gmail.com/philtkd@gmail.com.
Ang martial arts, lalo na ang taekwondo, ang kinokonsiderang pinakamagandang preparasyon para sa physical conditioning, alertness at self-protection. Ang kaalaman sa unarmed defense ay mas mainam kaysa sa pagkakaroon ng deadly weapons. Ang pagiging mahusay sa taekwondo ay makakamit sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na training, determination at pagsisikap.
Sa pagdaraos ng summer program, layunin ng PTA na makatulong sa personal at physical deve-lopment ng individual.