NEW YORK – Hindi na mangangailangan ng operasyon si Andrew Bogut, ang Australian center na nagkaroon ng season-ending injury wala pang isang minuto sa kanyang Cleveland Cavaliers debut, para sa kanyang nabaling kaliwang binti.
Sumailalim si Bogut sa karagdagang imaging at evaluation noong Martes.
Inayos ng mga duktor ang kanyang na-fracture na left tibia at sinimulan ang non-surgical treatment.
Hindi makakapaglaro ang 30-anyos na si Bogut, isang seven-footer, sa hu-ling mga laro sa regular season at maging sa playoffs para sa defending NBA champions.
Inaasahang makukum-pleto niya ang kanyang recovery process bago magsimula ang training camp ng Cavaliers para sa 2017-18 campaign.
Matapos tulungan ang Golden State Warriors na makuha ang 2015 NBA crown at maitala ang record 73 wins noong 2015-16 season, nagkaroon si Bogut ng left knee injury sa Game Five ng NBA Finals.
Kinuha ng Warriors ang 3-1 abante ngunit nakabangon ang Cavaliers para sa greatest comeback sa finals history at angkinin ang korona.
Dinala ng Warriors si Bogut sa Dallas Mavericks para luwagan ang kanilang salary cap sa pagpasok ni Kevin Durant.
Ibinigay ng Mavericks si Bogut sa Philadelphia 76ers dalawang linggo na ang nakakalipas.
Binitawan siya ng Sixers at nakuha ng Cavaliers.