^

PM Sports

Valdez lalaro sa baguhang Creamline Cool

Francisco Cagape - Pang-masa
Valdez lalaro sa baguhang Creamline Cool
Alyssa Valdez

MANILA, Philippines - Maglalaro ang sikat na manlalaro na si Alyssa Valdez sa baguhang team Creamline Cool Smashers sa Philippine V-League 2017 Season  Reinforced Conference na magbubukas sa darating na Abril sa taong ito.

Ito ang kinumpirma ni PVL top official Ricky Palou matapos makipagkita si Valdez sa mga opis-yales ng Rebisco Corporation kamakailan lamang kasama ang ibang mga miyembro ng koponan sa Maynila. Ang Rebisco ay siyang pangunahing corporate backer ng Ateneo kung saan dating star player si Valdez nang ito ay naglalaro pa sa UAAP.

“Yes, the Creamline Cool Smashers will be one of our new teams in the PVL and Alyssa Valdez will play for them,” sabi ni Palou ng organizing Sports Vision.

Si Valdez ay naglalaro sa kasalukuyan sa Thai League team 3BB Nakornmont ng Thailand bilang import at nandito siya sa bansa para sa four-day break upang magta-try-out sa Philippine national team na lalahok sa 29th Southeast Asian Games ngayong Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kasama ni Valdez ang dating Ateneo teammate na si Aerieal Patnongon at mga standouts ng University of Perpetual Help na sina Collen Bravo at Jamela Suyat, Joyce Palad ng University of the Philippines, Francisca Racraquin ng San Beda, Pau Soriano at Janet Serafica ng Adamson at ang nagbabalik na si Ivy Remulla ng De La Salle.

Marami pang ibang players at foreign recruits ang inaasahang sumama rin sa bagong koponan ng Creamline Smashers na maglalaro sa unang pagkakataon sa Philippine V-League, ang dating Shakey’s V-League.

Ang Ateneo head coach na si Thai Tai Bundit ang siyang mentor ng team kasama sina Oliver Almandro bilang assistant coach at si Sherwin Malonzo naman ang team manager.

ALYSSA VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with