PBA All Stars idaraos sa CDO, Cebu at Lucena
MANILA, Philippines - Gaganapin ang 2017 Philippine Basketball Asso-ciation (PBA) All-Star Games sa tatlong Lungsod kaya mas marami ang makakapanood nito ngayon.
Ang All All Star games ay gagawin sa Cagayan de Oro City, Cebu City at Lucena City.
Unang gagawin ang All-Star weekend sa Cagayan de Oro kung saan maghaharap ang mga manlalaro mula sa Mindanao kagaya nina Peter June Simon ng Star Hotshots at Scottie Thompson ng Ginebra laban sa Gilas Pilipinas national team sa Abril 26.
Kahit ang Gilas player na si Mac Belo ng North Cotabato ay maglalaro para sa Mindanao PBA All-Star at hindi sa national team.
Pagkatapos ng Mindanao All-Star, dadayo naman ang laro sa Quezon Convention Center sa Lucena City sa Abril 28, kung saan ang mga sikat na manlalaro sa PBA mula Luzon ay lalaban sa Gilas Pilipinas. Ang mga Gilas players mula Luzon kagaya ni Japeth Aguilar at Calvin Abueva ay maglalaro pa rin sa PBA All-Star team.
Sa Lucena leg din gaganapin ang mga side events ng All-Star Games kagaya ng three-point shootout, slam dunk competition at obs-tacle challenge.
Ang huling makakasaksi sa PBA All-Star Games ay ang mga Cebuano dahil li-lipat naman doon ang laro sa Abril 30.
Gayun pa man ang mga miyembro ng Gilas national team na taga-Visayas kabilang na si June Mar Fajardo ay maglalaro sa PBA All-Star kontra sa Gilas players.
- Latest