MANILA, Philippines - Nagtabla sa 5-1 record ang nagdedepensang De La Salle at Ate-neo matapos walisin ang kanilang mga kalaban sa UAAP Season 79 wo-men’s volleyball tourna-ment kahapon sa San Juan Arena.
Ipinalasap ng Ate-neo sa University of the Philippines ang kani-lang unang pagkatalo, 25-14, 25-19, 25-21, habang nakuha ng nagde-depensang La Salle ang kanilang pangatlong sunod na panalo kontra University of the East, 25-18, 25-14, 25-16.
Humataw ng tig-11 puntos sina Bea De Leon at Jhoanna Maraguinot para sa ikaapat na sunod na panalo ng Lady Eagles.
Inamin ni Ateneo assistant coach Sherwin Meneses na malaking panalo ito para sa kanila bago harapin ang La Salle sa kanilang susunod na laro.
“Hindi namin ine-expect,” sabi ni Meneses. “Malaking panalo ‘to, kasi kapag kalaban mo ang La Salle ay kaila-ngan mataas ang kumpiyansa mo.”
Umiskor naman ng tig-12 puntos ang mga sophomore spikers na sina Diana Carlos at Isa Molde para sa UP na ngayon ay nasa pa-ngalawang puwesto sa 4-1 kartada.
Nagtala naman ng 12 at 11 puntos si Kim Dy at Tin Tiamzon para pangunahan ang Lady Spikers sa 5-1 baraha.
Sa men's division, kinuha ng Ateneo (6-0) ang 25-18, 26-24, 25-16 panalo laban sa UP (3-2), habang pinasuko ng La Salle (2-4) ang UE (0-6), 25-14, 23-25, 25-21, 25-21. FMLumba