^

PM Sports

Westbrook itinala ang ika-28 triple-double

Pang-masa

OKLAHOMA CITY - Tila hindi mapigilan si Russell Westbrook sa pagpoposte ng triple-double ngayong season.

Itinala ni Westbrook ang kanyang league-lea-ding na ika-28 triple double matapos tulungan ang Thunder na paluhurin ang bisitang Los Angeles Lakers, 110-93.

Naglista si Westbrook na may 17 points, 18 rebounds at 17 assists bukod pa sa 3 steals para sa ikalawang sunod na panalo ng Oklahoma City.

Nag-ambag naman sina Alex Abrines at Andre Robertson ng career-high na tig-19 points, habang humakot si center Steven Adams ng 15 points, 10 rebounds, 3 steals at 2 blocks para sa Thunder.

Itinampok ng Oklahoma City ang mga bagong hugot na sina Taj Gibson at Doug McDermott na nakuha nila mula sa Chicago Bulls sa pamamagitan ng trade.

Umiskor si Gibson ng 12 points, habang may 8 markers naman si McDermott.

Binanderahan ni D’Angelo Russell ang Lakers sa kanyang 29 points at 6 assists, habang nagdagdag sina Fil-Am Jordan Clarkson at Julius Randle ng 14 at 13 points, ayon sa pagkakasunod.

Sa Los Angeles, kumamada si forward Kawhi Leonard ng 21 points para pamunuan ang San Antonio Spurs sa 105-97 paggiba sa Clippers.

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Spurs.

Nagdagdag sina guard Tony Parker at center Pau Gasol ng tig-17 points at humakot si LaMarcus Aldridge ng 15 at 11 rebounds para sa Spurs.

Nagposte si Blake Griffin ng 29 points kasunod ang 23 markers ni Austin Rivers para pangunahan ang Los Angeles.

Sa Toronto, kumamada si DeMar DeRozan ng career-high na 43 points para pamunuan ang Raptors sa come-from-behind 107-97 victory laban sa Boston Celtics.

Hindi naglaro si guard Kyle Lowry dahil sa kanyang wrist injury, ngunit naitala ng Toronto ang kanilang ika-34 panalo sa 58 games.

Nagdagdag ang bagong hugot na si Serge Ibaka ng 15 points, habang may tig-11 markers sina Cory Joseph at Patrick Patterson para sa Raptors.

Pinangunahan ni Isaiah Thomas ang Celtics sa kanyang 20 points.

Sa Chicago, nakabawi ang Bulls mula sa 11-point deficit sa final canto para balikan ang Phoenix Suns sa overtime, 128-121, sa likod ni Dwyane Wade.

Tumapos si Wade na may 23 points, habang may 22 markers si Jimmy Butler para sa pangalawang sunod na ratsada ng Chicago.

RUSSELL WESTBROOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with