^

PM Sports

Lady Bulldogs makikigulo sa No. 2

Marvin Lumba - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang three-way tie sa kartadang 4-1 ang nais mangyari ng National University sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa kanilang pagharap sa Far Eastern University sa San Juan Arena ngayong hapon.

Magsisimula ang kanilang laro sa dakong alas-kwatro, kasunod ng duwelo ng University of Sto. Tomas at Adamson sa ganap na alas-dos ng hapon.

Nasa isip rin ng NU ang makabawi sa kanilang unang pagkatalo ngayong taon laban sa defending champions La Salle, 29-27, 25-16, 25-21 noong Linggo at maibalik ang magandang takbo ng kanilang koponan sa unang tatlong laro.

Masusubukan sila kontra sa FEU na nais masundan ang kanilang huling 25-18, 25-22, 25-27, 25-11, na panalo laban sa UE.

Pangungunahan pa rin ni team captain Jaja Santiago ang Lady Bulldogs sa tulong nina Jorelle Singh, Joy Doromal, Risa Sato at setter Jasmine Nabor na makakalaban sina Bernadeth Pons, Remy Palma, Kyla Atienza at ang kanilang mga playmaker na sina Angelica Cayuna at Kyle Negrito sa panig ng Lady Tamaraws.

Hangad namang mapaganda ng UST ang itinatakbo ng kanilang koponan sa pakikipagtuos sa Adamson, na nasa ilalim ng standings matapos matalo sa lahat ng kanilang limang laro.

Bukod sa kanilang kapitan na si Cherry Rondina at EJ Laure, kakailanganin ng Tigresses ang suporta nina Pam Lastimosa, Ria Meneses at Chloe Cortez para makaalis sa kanilang pagkakalugmok sa 1-3 habang mas dobleng trabaho pa ang kailangang gawin nina Jemma Galanza, Joy Dacoron at Bernadette Flora para pamunuan ang Lady Falcons.

Sa men’s division, babasagin ng FEU (3-1) at NU (3-1) ang kanilang tablang rekord sa standings sa dakong alas-10 ng umaga. Bago ito, magtatapat naman ang UST (2-2) at Adamson (1-4) sa ganap na alas-otso.

 

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with