MANILA, Philippines - Magbabalik ngayon ang Philippine Sportswri-ters Association (PSA) Forum sa Golden Phoenix Hotel sa D. Macapagal Sunrise Drive sa Pasay City kung saan pangunahing panauhin ang Philippine Volcanoes.
Sa pangunguna ni coach Matt Cullen, inaasahang tatalakayin ng national rugby team ang kanilang plano at programa para sa taong ito kabilang ang kampanya para sa the Southeast Asian Games.
Ang forum na nagpahinga ng dalawang linggo para sa pagbibigay daan sa pagdaraos ng PSA Annual Awards Night ay maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918.
Sa ikalawang bahagi ng public sports program na handog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corp, tampok ang Pilipinas Run 2017 na nakatakda sa March 12 sa CCP/Mall of Asia complex.
Samantala, ang matagumpay na PSA Awards Night na handog ng San Miguel Corp. at Milo kasama ang Cignal Hypher HD na ginanap noong Feb. 13 sa Le Pavillon sa Pasay City ay mapapanoods sa Feb. 25 sa alas-7:00 ng gabi sa Hyper SD Channel 91 at HD Channel 26 ng Cignal TV.