^

PM Sports

UNDER-the-table deal

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Officially, record-holder si one-time PBA MVP winner Kenneth Duremdes sa pinakamalaking single playing contract na pinirmahan sa Philippine Basketball Association.

Tumataginting na P48 million sa loob ng walong taon ang nakuha ni Duremdes noong kagalingan niya nang siya ay hainan ng “offer sheet” ng Mobiline sa tangka nitong makuha ang playing rights ni “Captain Marbel” mula sa Alaska Milk.

Burado noon ang P30-million contracts ni Marlou Aquino at Jun Limpot sa loob ng limang taon. Ganoon din ang mas naunang higanteng kontrata na nakuha ni Alvin Patrimonio sa Purefoods.

Pero bakit ko binanggit na “officially?”

Bulung-bulungan kasi sa PBA circle na P42 million sa loob lamang ng tatlong taon ang package na nakuha ng isang premyadong backcourt player para manatili sa kanyang mother team.

Hindi ito makikita sa kanyang papel na naka-file sa PBA dahil lagpas-lagpas sa maximum pay ang kanyang actual na makukuha sa kanyang tagong kontrata.

Lagpas isang milyon kada-buwan ang kanyang tunay na monthly pay kahit na P420,000 lamang ang kasalukuyang “max” ng liga.

‘Di naman siya nag-iisa na tumatanggap ng tinatawag na “under-the-table deal.”

“Ibinaba pa kasi ng PBA ang maximum pay nila from P500,000. Ngayon, marami sa kanila ang nagba-violate ng pay cap,” sabi ng isang player agent.

“Dapat di na nila binago yung cap for actual pay. Pagandahan na lang sila sa bonus scheme. Hindi naman automatic na makukuha ng players yung bonus, dahil bonus nga iyon kung mananalo lang sila,” dagdag pa ni agent.

“Kung ganoon ang sistema, siguradong mas pupukpok sa laro ang mga players dahil hahabulin nila ang won-game bonuses.”

Dahil sa mababang salary cap, talo sa kuhaan ng marquee players ang mga ball clubs na tuwid na sumusunod sa patakaran.

At bunsod nito ang pananatiling pagkasira ng league balance.

POINT GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with