Red Warriors dinomina ang UAAP fencing

MANILA, Philippines – Patuloy sa paghahari ang University of the East sa fencing competition ng UAAP Season 79 matapos makopo ang men’s at women’s division sa pagtatapos ng torneo sa UST Quadricentennial Pavilion Arena.

Tinapos ng Red Warriors ang matagumpay na kampanya sa pagkopo ng gold sa men’s team epee event.

Sa nakopong 4-2-2 gold-silver-bronze haul, kinumpleto ng UE ang five-peat at 11th kasunod ang University of Santo Tomas (2-2-2) at University of the Philippines (0-2-3).

Ang championship ay pabaon kay Nathaniel Perez na tinapos ang kanyang paglalaro para sa Warriors with ng season MVP award.

Ito ang ikatlong MVP plum sa kabuuan ni Perez,  veteran sa international competitions.

Hinakot din ng Lady Warriors ang gold medals sa women’s team epee at sabre events sa huling araw para ipagpatuloy ang dominasyon ng UE sa 10-sweasons para sa kanilang pang- 11th championship.

Ang UE ay may 4-2-2 gold-silver-bronze medals kasunod ang Ateneo na may 1-2-3 tally at UST, 1-1-1, sa third place.

Si Andie Ignacio ang season MVP na siyang unang Lady Eagle na nanalo ng pinakamataas na individual award na huling nagawa ni Victoria Grace Garcia noong 2007 nang magkampeon ang mga Katipunan-based fencers. Si  Gerry Hernandez ng UP ang napiling men’s Rookie of the Year.

Ang Junior Warriors din ang naka-sweep ng competition sa high school division, para sa kanilang pampitong taong paghahari habang nagkampeon din ang mga babae sa ikaanim na sunod na taon.

 

Show comments