INDIANAPOLIS – Alam ni LeBron James na malaki ang magiging kontribusyon ni shooter Kyle Korver para sa Cleveland Cavaliers.
At pinatotohanan ito ng 35-anyos na sharp-shooter.
Tumapos si Korver na may season-high na 29 points para igiya ang Cavaliers na burahin ang 15-point deficit at balikan ang Indiana Pacers, 132-117.
“I’ve been waiting for a game like this, where you get hot and you get some good corner looks,” sabi ni Korver. “I feel like I should have been shooting it better the last couple of weeks.”
Naipanalo ng Cleveland ang unang tatlo sa kanilang four-game road trip at ikaanim sa nakarang pitong laban. Naglista naman si Kyrie Irving ng 29 points at 7 assists, habang humakot si James ng 25 points, 9 assists at 6 rebounds at kumolekta si Love ng 14 points at 10 rebounds.
Sa Milwaukee, itinala ng Miami Heat ang kanilang ika-12 sunod na panalo makaraang gibain ang Bucks, 106-88.
“When we see anybody go down, we cringe,” sabi ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra kay Jabari Parker ng Milwaukee na nagkaroon ng injury sa third period. “We hope he’s OK. It definitely took away” from the Bucks’ ability to come back.
Kumolekta naman si Hassan Whiteside ng 23 points at 16 rebounds, habang nag-ambag si James Johnson ng 20 points mula sa bench para sa Miami.