4-0 asam ng Racal Ceramica

MANILA, Philippines -  Nais na ipagpatuloy ng Racal Ceramica ang kanilang pagpapanalo sa nakatakdang pagharap sa Wangs Basketball sa 2017 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Arena sa Pasig ngayong hapon.

Magsisimula ang kanilang laban sa ganap na alas-11:00 ng umaga na susundan ng banggaang CafeFrance at Jose Rizal University sa dakong ala-1:00 ng hapon.

Kasalukuyang nasa itaas ng standings na may kartadang 3-0, patuloy ang pagpapamalas ng husay ng Tile Masters na muling nasaksihan sa kanilang huling laban kontra sa Team Batangas noong Lunes, na natapos sa iskor na 91-78.

Sa pangunguna ng kanilang NCAA-core na binabanderahan nina ace playmaker Kent Salado, Rey Nambatac, Sidney Onwubere at Jackson Corpuz tatangkaing itaboy ng Tile Masters ang banta ng Couriers para higpitan ang kanilang kapit sa solo first place.

Hangad namang ma-kabawi ng Wangs Basketball sa kanilang dalawang magkasunod na kabiguan matapos talunin ang Victoria Sports sa kanilang unang laro.

Aasahan ng Cou-riers ang pamumuno ng kanilang  mga beterano na sina Marlon Gomez, Von Tambeling, Rey Publico, at Cedrick Labing-isa para silatin ang Racal at tapusin ang kanilang lo-sing skid.

Pagbawi rin ang gustong gawin ng JRU matapos malasap ang kanilang unang pagkatalo sa kamay ng AMA Online Education noong Martes sa kanilang laban kontra sa CafeFrance na tinambakan ang Blustar Detergent sa kanilang nakaraang laro.

Aantabayanan rin ang pagbawi ni Heavy Bombers ace player Teytey Teo-doro matapos malimitahan lamang sa pitong puntos kontra sa AMA sa kanilang pagtapat sa Bakers sa pangunguna nina Rodrigue Ebondo at Paul Desiderio.  FML

 

Show comments