Heat diretso sa 8-panalo

Inilusot ni Goran Dragic ng Miami ang kanyang tira laban kay Justin Ha-milton ng Brooklyn.

MIAMI - Kumamada si guard Goran Dragic ng 20 points habang nagdag-dag si Dion Waiters ng 19 markers para tulungan ang Heat sa 104-96 panalo laban sa Brooklyn Nets.

Ito ang pang-walong sunod na arangkada ng Miami at ang ikaapat na pinakamahabang winning streak na naitala ngayong season matapos ang Golden State Warriors (12 games), Houston Rockets (10) at San Antonio Spurs (9).

“Stay humble. Stay hungry. Continue to keep working,” sabi ni Waiters. “Get better day by day. Keep putting in the work and you see results ... and along the way have fun, just enjoy it.”

Kinuha ng Heat ang (19-30) No. 12 place sa Eastern Conference.

“We’re not looking at standings right now,” wika ni Miami Fil-Ame-rican head coach Erik Spoelstra. “We’re concentrating on us.”

Nagdagdag si James Johnson ng 17 points kasunod ang 13 at 12 markers nina Rodney McGruder at Hassan Whiteside, ayon sa pagkakasunod.

Nagtala sina Waiters at Dragic ng pinagsamang 17 assists para sa Heat, hindi na binitawan ang kalamangan matapos magpakawala ng 17-0 atake sa dulo ng first half.

Umiskor naman si Bojan Bogdanovic ng 16 points para sa Brooklyn (9-39), nalasap ang ikaa-nim na sunod na laro para sa kanilang ika-17 kabiguan sa huling 18 laro.

Sa Dallas, tumipa si Yogi Ferrell ng career-high 19 points kasabay ng pagpapatahimik kay Kyrie Irving para igiya ang Mavericks sa 104-97 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.

Hindi naglaro para sa Cavaliers si Kevin Love na may back spasms.

Pinangunahan ni Le-Bron James ang Cleveland sa kanyang 23 points, ngunit may mahinang 2-of-14 shooting sa three-point range at nakagawa ng 11 sa kabuuang 17 turnovers ng koponan.

Pinangunahan ni Harrison Barnes ang Mavericks sa kanyang 24 points at season-high 11 rebounds para sa ikalawa niyang double-double sa season, habang umiskor si Wesley Matthews ng 21 points.

Nagsalpak si Ferrell ng isang 3-pointer at dri-ving layup para ibigay sa Dallas ang pinakamalaki nilang bentahe sa 102-85 sa huling 3:52 minuto ng fourth period.

Show comments