MANILA, Philippines – Nagwagi ang nagde-depensang College of St. Benilde kontra sa San Beda College, 25-19, 25-23, 17-25, 25-18, upang angkinin ang third spot sa pagtatapos ng elimination round ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament na gina-nap sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.
Umiskor si team captain Jeanette Panaga ng 17 points para putulin ang two-game losing skid ng Lady Blazers at makuha ang kumpiyansiya sa semis.
Ang Red Lionesses ay bumagsak sa ikaapat na puwesto.
Kapwa tumapos ang Lady Blazers at Red Lio-nesses na may parehong 6-3 win-loss slate.
Maghaharap ang Lady Blazers at Red Lio-nesses sa unang bahagi ng stepladder semifinals bukas at ang mananalo ay lalaban sa No. 2 Arellano Lady Chiefs na ta-ngan ang ‘twice-to-beat’ advantage dahil sa kani-lang 8-1 record.
“Last two games nata-lo kami kaya kailangan talagang gumawa at humanap tayo ng paraan para magkaroon ng winning ways ulit at tumaas ‘yung morale natin,” sabi ni Lady Blazers’ head coach Macky Cariño.
Sa nakaraang taon, ang Lady Blazers ay tumapos din sa parehong No. 3 spot sa umpisa ng semifinals, ngunit tinalo nila ang No. 4 Perpetual Help Lady Altas bago inilampaso ang Season 90 titlist na Lady Chiefs para sa kanilang Finals showdown kontra sa San Sebastian Lady Stags na galing rin sa 9-0 sweep sa eliminasyon upang dumeritso sa Finals tangan ang ‘thrice-to-beat ‘advantage.
“Iyong team ko, kailangan talagang ganoon, push nang push upang manalo at para ma-motivate sila sa susunod na game namin, especially semifinals na,” dagdag ni Cariño sa kanyang St. Benilde.
Makaraang makuha ang unang set ay umarangkada si Nieza Viray para sa dikit na second set.
Ngunit nagtagumpay pa rin ang Lady Blazers na angkinin ang 2-0 kalamangan bago nakuha ng Red Lionesses ang ikatlong set, 25-17, para umabot sa apat na sets ang laro.
Pinangunahan ni Nieza Viray ang Red Liones-ses sa kanyang 12 points.
Ang mga laro sa se-mis ay mapapanood nang LIVE sa Sports and Action Channel 23.