Kamay ni Paul Lee nag-init

Unahan sa loose ball sina Allein Maliksi ng Star Hotshots at Dylan Ababou ng Blackwater.

MANILA, Philippines – Nakabangon ang Blackwater mula sa 15-point deficit sa second period ngunit hindi nila napalamig ang mainit na kamay ni Star shooting guard Paul Lee sa fourth quarter.

Kumamada si Lee ng 13 sa kanyang 15 points sa final canto para tulu-ngan ang Hotshots na patumbahin ang minamalas na Elite, 111-95 at palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“We know that Blackwater can explode. So I challenged my players sa depensa,” ani coach Chito Victolero. “Hopefully sa susunod naming games madala namin ‘yung being consistent on defense.”

Kailangan na lamang manalo ng Star, nakamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo, laban sa Meralco sa Sabado para makamit ang tiket sa eight-team quarterfinals.

Nalasap naman ng Elite ang kanilang panga-lawang dikit na kabiguan.

Pinangunahan ni Allein Maliksi ang Hotshots sa kanyang 26 points mula sa magandang 5-of-7 shooting sa three-point range habang tumapos si Justin Melton na may 15 markers na kanyang ginawa sa first half.

Itinayo ng Star ang 15-point advantage, 52-37 na naibaba  ng Blackwater sa 61-64 agwat sa third quarter.

Matapos isara ang nasabing yugto bitbit ang 78-70 bentahe ay ipinoste ng Hotshots ang 16-point lead, 100-84, kontra sa Elite sa 6:35 minuto ng final canto sa likod ng pagbibida ni Lee.

Tuluyan nang sinelyuhan ng Star ang kanilang panalo nang ibaon ang Blackwater sa pamamagitan ng 107-87 kalama-ngan sa huling 4:03 minuto ng laro.

Show comments