Azkals nakabilang sa Group F
MANILA, Philippines - Makakasama ng Philippine Azkals sa grupo ang mga karibal na Tajikistan, Yemen at Nepal sa bigating Asian Football Confederation (AFC) Asian Cup.
Ang mga Pinoy boo-ters, Tajiks, Yemenis at Nepalese ang bumubuo sa Group F matapos ang isinagawang draw no-ong Lunes ng gabi para sa qualifiers na sasaila-lim sa double round-robin, home-and-away format.
Tanging ang Top 2 teams sa bawat grupo ang makakakuha ng ti-ket sa AFC Asian Cup sa 2019.
“It’s not an easy group,” sabi ni Philippine Football Federation (PFF) president Nonong Araneta kahapon.
Ang mahalagang preparasyon naman ang magpapanalo sa Azkals, ayon kay head coach Thomas Dooley.
“If we are smart and pay attention to the pre-paration, and work toge-ther with the league ow-ners about the schedule, I think we have a huge chance to qualify for the first time,” ani Dooley. “It would be fantastic for football in the Phi-lippines. This is what we all want so let’s be focused on all details and make it happen.”
Unang lalabanan ng Azkals ang Nepal sa Marso 28 sa Pilipinas bago magtungo sa Taji-kistan para sagupain ang mga Tajiks sa Hun-yo 13.
Sa Setyembre 5 ay haharapin ng Azkals sa bansa ang Yemen at muling maglalaban sa Oktubre 10 kasunod ang Nepal sa Nobyembre 14 at muling magtutuos ang Azkals at Tajikistan sa Marso 27, 2018.
- Latest