MANILA, Philippines - Namayagpag sina reigning Male Swimmer of the Year Sean Terence Zamora at Philippine junior record holder Jerard Dominic Jacinto sa 107th Philippine Swimming League (PSL) National Series na ginanap sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.
Nanguna ang University of Santo Tomas standout na si Zamora ang boys’ 15-over 100-meter Individual Medley sa bilis na isang minuto at .10 segundo upang higitan ang lumang marka na 1:02.81 ni Jacinto na naitala noong nakaraang taon.
Sa kabilang banda, namayagpag si Jacinto ng University of the East sa kanyang paboritong 50m backstroke nang magtala ng 27.46 segundo, sapat upang maungusan si Zamora na nagtala naman ng dikit na 27.78 segundo.
Nagparamdam rin ng lakas sina Micaela Jasmine Mojdeh ng Imma-culate Heart of Mary College-Parañaque at Marc Bryan Dula ng Weisenheimer Academy sa kani-kanilang dibisyon.
Nanguna si Mojdeh sa girls’ 10-year 50m butterfly sa bilis na 33.71 segundo, habang namayagpag naman si Dula sa boys’ 9-year 50m butterfly sa tiyempong 35.60 segundo.
Hataw rin ang Aishel Cid Evangelista na kumana ng bagong rekord sa boys’ 6-under 100m IM bunsod ng 1:37.78 na naitala nito.
Winasak ni Evangelista ng kanyang dating 1:38.47 na naitala noong Disyembre.