Red Lionesses nahirapan sa Lady Cardinals

MANILA, Philippines - Dumaan muna sa butas ng karayom ang San Beda College Red Lionesses bago nadispatsa ang Mapua Institute of Technology Lady Cardinals, 25-16, 25-15, 22-25, 20-25, 15-9 kahapon upang makuha ang playoff  para sa huling semifinal slot ng 92nd National Collegiate Athletic Association (NCAA) volleyball tournament na ginanap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Umiskor si Fran-cesca Racraquin ng 16 puntos habang tumulong din ng 13 si Satrianni Espiritu para masungkit ang ika-anim na panalo sa siyam na laro at tumuntong sa solo fourth spot sa likuran ng nangungunang San Sebastian Lady Stags (7-0), Arellano University Lady Chiefs (7-1) at defending champion College of St. Benilde Lady Blazers (6-2).

“Masaya kaming nakapasok sa playoff. Pero mas masaya kung nasa Final four na talaga kami,” sabi ni San Beda coache Nemesio Gavino.

Pinangunahan ni Patricia Pena ang Lady Cardinals sa kanyang 13 puntos habang tig-sampu naman bawat isa sina Dianne Latayan at Danielle Ramilo.

Sa men’s division, tinapos na rin ng San Beda College Red Lions ang pag-asa ng Mapua Institute of Technology Cardinals sa pamamagitan ng 22-25, 25-23, 25-13, 25-13, panalo upang makumpleto na ang semifinal casts.

Pagkatapos ng kanilang kampanya sa elimination round, umani ang Red Lions ng 7-2 slate upang makasiguro ng playoff para sa twice-to-beat advantage sa Final Four.

Ang Cardinals ay mayroon lamang 5-4 record pagkatapos ng elims para sa ikalimang puwesto kaya kahit pa man matalo ang University of Perpe-tual Help Altas (6-1) at Arellano University Chiefs (6-2) sa kanilang huling mga laro, hindi na rin sila kayang habulin pa ng Mapua kaya buo na ang roster ng Final Four sa men’s division. (FCagape)

Show comments