MANILA, Philippines - Magsisimula nga-yong hapon ang 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.
Ipapakilala ang 10 koponan na maglalaban-laban para sa titulo sa opening ceremonies sa alas-2 ng hapon na susundan ng unang laro ng eliminations sa pagitan ng AMA Online Education at bagong saltang Province of Batangas sa ganap na alas-3.
Ibabandera ng AMA ang No. 1 pick sa 2016 D-League Rookie Draft na si dating La Salle Green Archer Jeron Teng na makakasama nina Jay-R Taganas, Ryan Arambulo, UP playmaker Diego Dario, at UE forward Mark Olayon.
Inaasahan ni AMA head coach Mark Herre-ra na aangat ang lebel ng kanilang koponan nga-yong taon sa likod ng kanilang mas pinalakas na line-up.
“Every conference, we always make it to the quarterfinals. I hope this time, we’ll make it to the semis or hopefully in the championship,” paha-yag ni Herrera.
Sa panig naman ng Batangas, nais ni two-time D-League champion head coach Eric Gonzales na matulu-ngan ang kanyang mga manlalaro mula sa nasabing probinsya na mas maging mahusay at makapagbigay ng ma-gandang laban sa iba pang koponan.
“What we’re buil-ding here is the character and development of the Batangueños. I hope we can be decent and help these players to be at their best,” ayon kay Gonzales.
Si Gonzales ang humawak sa 2016 back-to-back champions na Phoenix-FEU Accele-rators.
Hindi lalahok ang Accelarators ngayong taon sa liga kaya’t garantisadong magkakaroon ng bagong kampeon sa D-League. (FMLumba)