Kampo ni Horn aligaga sa laban kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Sadyang ayaw paka-walan ng Australia ang pagkakataong maidaos ang pinakamalaking bo-xing event sa kanilang kasaysayan.

Sinabi ni Arum ng Top Rank Promotions sa panayam ng BoxingScene.com na nakausap na niya ang Duco Events na tumatayong promoter ni Australian challenger Jeff Horn para sa laban nila ni Manny Pacquiao.

“I just got off the phone with them, once they select the state it’s going to be at, whether it’s Brisbane or Melbourne, then we’ll go forward with an announcement and so forth,” sabi ni Arum.

Inihayag kamakailan ni Arum ang pagdedepensa ng 38-anyos na si Pacquiao sa kanyang hawak na World Boxing Organization welterweight crown laban sa 28-anyos na si Horn.

Ngunit hanggang kahapon ay wala pang napapanalisang venue.

Si Horn, kumampan-ya sa Olympic Games noong 2012, ang No. 2 contender para sa hawak na WBO belt ni Pacquiao.

Kung makukumbinsi ng Duco Events ang pinuno ng Queensland na pondohan ang naturang bakbakan nina Pacquiao at Horn ay gagawin ito sa 52,000-seater na Suncorp Stadium sa Brisbane.

Bukod sa Australia, maaari ding gawin ang Pacquiao-Horn bout sa United Arab Emirates.

Kaya naman naki-kipag-usap si Michael Koncz, ang Canadian business adviser ni Pacquiao, sa ilang persona-lidad para gawin ang laban sa Middle East.

“Michael is part of the team. I think Michael is talking to people in the Mid-East as our we,” sabi ni Arum kay Koncz. “In other words, you never know who you’re dealing with in the Mid-East. You never know what’s going to come to fruition.”

“So say Michael’s guy comes through and the number that they’re talking at turns out to be the biggest number – why wouldn’t we go there?” dagdag pa ng veteran promoter.

 

Show comments