Texters malakas ang Signal
MANILA, Philippines - Alam ni TNT Katro-pa head coach Nash Racela na kailangan ni-lang mapigilan ang mga shooters ng Mahindra kagaya nina Philip Pa-niamogan at Mike Digregorio.
At kailangan nilang gawin ito para wakasan ang kanilang dalawang sunod na kamalasan at patibayin ang tsansa sa isa sa pitong quarterfinals ticket.
“That’s something we emphasized to our players during practice. Give effort in closing out on their shooters specifically Paniamogan and Digregorio,” sabi ni Racela.
Pinigilan ng Tropang Texters ang dalawang sunod na ratsada ng Floodbusters matapos iposte ang 104-92 panalo sa 2017 PBA Phi-lippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Naglista si Troy Rosario ng 18 points at 9 rebounds, habang nagdagdag si rookie guard Roger Pogoy ng 16 mar-kers.
Nagbigay din ng kontribusyon si Moala Tautuaa sa kanyang 14 points kasunod ang tig-11 nina Larry Fonacier at Kris Rosales at 10 ni Jayson Castro.
Matapos kunin ng Mahindra ang 57-51 abante sa halftime mula sa 12 points, 4 rebounds at 3 assists ni Allex Mallari ay naghigpit ng kanilang depensa ang TNT Katropa para ilista ang 78-71 kalamangan sa 2:28 minuto ng third quarter.
Ikinasa ng Tropang Texters ang 10-point lead, 100-90, galing sa layup ni Castro sa hu-ling 3:59 minuto ng fourth period para tulu-yan nang ipalasap sa Floodbusters ang ikaa-nim nitong kabiguan matapos kumamada ng two-game winning run.
Binanderahan ni Mallari ang Mahindra sa kanyang tinapos na 19 points kasunod ang tig-10 markers nina Paniamogan at Mark Yee.
- Latest