^

PM Sports

Lady Warriors pangungunahan ni Adorador sa pagsabak sa UAAP women’s volleyball

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dedepende si University of the East Lady Warriors head coach Francis Vicente sa kanyang mga manla-laro para sa parating na UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa Pebrero.

Umaasa si Vicente na mas maganda ang itatakbo ng kanilang kampanya sa Season 79, sa likod ng baong karanasan ng ilan sa kanyang mga manlalaro at ng kanyang mga bagong recruit.

Kabilang sa kanyang sasandalan ay ang kanilang kapitan na si Shaya Adorador pati na rin sina Kath Arado at Roselle Baliton na nakapaglaro sa Philippine Superliga (PSL) at Shakey’s V-League noong nakaraang taon.

“Malaking tulong ang PSL at V-League kina Baliton, Arado and Shaya,” pahayag ni Vicente. “Especially kay Shaya. Umangat ang laro.”

Ayaw namang pangalanan ni Vicente ang kanyang mga nakuhang manlalaro sa pangambang mapirata ang mga ito ng ibang pamantasan o kolehiyo at dahil na rin sa maaari silang makatulong upang mapalakas ang lineup ng Lady Warriors sa mga darating na taon.

“Di ko pa puwedeng i-reveal, secret ‘yun. Mga nanggaling sa probinsiya na nakausap ko na, hopefully di sila masulot ng ibang school,” ayon kay Vicente. “Yung iba nasa Manila na, ‘di pa enrolled sa UE pero nasa puder ko na.”

Sa kabila ng mga maaaring pag-unlad ng Lady Warriors, sinabi ng dating national team coach na babaan muna ang inaasahan sa kanyang koponan dahil nakatuon siya sa pagpapahusay ng kanyang mga manlalaro upang mas mabigyan sila ng oportunidad na makapaglaro sa ibang liga.

“Wag naman nila asahan na Final Four, malabo yun,” ani Vicente na head coach rin ng Generika sa PSL. “Ang ano lang eh tulungan ng mga liga sa labas na maimbita sila at ma-expose.”

UAAP SEASON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with