MANILA, Philippines – Kinuha ng Cignal ang serbisyo ni George Pascua upang maging bagong head coach ng kanilang koponan sa Philippine Superliga. (PSL).
Inanunsyo ng Cignal ang kanilang desisyonnoong Miyerkules ng gabi, matapos pormal na magbitiw si coach Sammy Acaylar noong Martes.
Si Pascua ang huma-wak sa koponan ng Petron sa loob ng dalawang taon kung saan nagwagi siya ng dalawang titulo bago ito mapalitan ng kanyang assistant coach sa koponan na si Shaq Delos Santos bago mag-umpisa ang PSL Grand Prix noong Setyembre.
Nasungkit ni Pascua ang kampeonato ng 2014 PSL Grand Prix sa tulong nina Brazilian setter Erica Adachi at Amerikanang hitter na si Alaina Bergsma na kanyang sinundan ng 13-0 na pagwalis sa 2015 PSL All-Filipino Conference na kinabilangan nina Rachel Daquis, Aby Maraño at Dindin Santiago-Manabat.
“Siyempre honored ako at saka very grateful sa opportunity na binigay ng Cignal management sa akin,” pahayag ni Pascua.
Agad na ring nakapirma ng kontrata si Pascua noong Miyerkules.
Pamumunuan ni Pascua ang koponan ng HD Spikers na binubuo nina Cherry Mae Vivas, Ste-phanie Mercado, Janine Marciano, Mylene Paat, at libero Jheck Dionela.
Umaasa ang Cignal na mababago ng kanilang desisyon ang takbo ng koponan matapos makakuha lamang ng isang panalo sa nakaraang PSL Grand Prix sa kabila ng pagbabago sa kanilang line-up.