Amerikanang womens volleyball coach ng Adamson masusubukan sa UAAP

MANILA, Philippines – Tinututukan ngayon ng bagong head coach ng Adamson na si Airess Padda ang mental toughness ng kanyang koponan patungo sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament.

Kinuha ng Adamson ang Amerikanang si Padda mahigit isang buwan na ang nakakaraan matapos ang kanilang kampanya sa Season 78, upang palitan ang interim head coach na si Domeng Custodio na pansamantalang pumalit kay Sherwin Meneses na nagbitiw sa kalagitnaan ng nakaraang season.

Nais itanim ni Padda sa kanyang mga manlalaro ang kanyang pag-iisip noong siya’y naglalaro bilang middle blocker sa kolehiyo.

“It’s all about the mindset and changing that because as an athlete, if you don’t believe you’re capable of accomplishing something, you won’t, no matter how good you are,” pahayag ni Padda na dating middle blocker ng California State sa Amerika.

Sinabi rin ni Padda na kakailanganin ito ng kanyang mga manlalaro upang magkaroon ng tsansa sa parating na season, dahil na rin sa kanilang kakula­ngan sa height, kaya’t itinuturing niyang ‘underdog’ ang Lady Falcons sa Season 79.

“We’re the underdog this year and when you look at us you don’t see a big team, a lot of height,” ayon kay Padda. “You look at La Salle, they have height, they have power, Ateneo, NU (National University) with Jaja (Santiago), we don’t have a Jaja.”

“But you can definitely outsmart your opponent with speed and the right mindset, so it’s the mental toughness that I teach them,” dagdag ni Padda. FML

Show comments