^

PM Sports

Bukas ang pinto ni Daquis para sa ibang PSL teams

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bukas ang pintuan ni outside spiker Rachel Ann Daquis na maglaro para sa ibang koponan ngayong taon sa Philippine Superliga (PSL).

Bakante ngayon si Daquis dahil sa desisyon ng kanyang mother team sa PSL na RC Cola-Army na hindi muna maglaro sa liga ngayong taon, dahilan sa pagsasanay ng kanilang mga manlalaro para sa kanilang promotion sa Philippine Army.

Bilang tanging sibilyan sa koponan ng Army, naiwan si Daquis na kasalukuyang naghahanap ng bagong koponan para sa darating na PSL Invitational sa Pebrero.

“Welcome ako sa kahit anong offer (from other teams) kasi gusto ko talagang maglaro this year,” pahayag ni Daquis.

Bilang beterena, hindi na bago sa dating FEU Lady Tamaraw ang paglalaro para sa ibang koponan.

Matatandaang naging bahagi si Daquis ng Petron noong nakaraang taon, kung saan nakasama niya sina dating UAAP MVP Aby Maraño at Dindin Santiago-Manabat sa 13-0 na pagwalis sa All-Filipino Conference.

Kasamang mawawala sa Superliga ng Lady Troopers ang kanilang mga key players na sina Jovelyn Gonzaga, Royse Tubino, at Tin Agno dahil sa kanilang pagsasanay sa Training and Doctrine Center sa Capas, Tarlac na tatagal ng walong buwan.

Bahagi si Daquis ng Lady Troopers sa loob ng walong taon. FML

RACHEL ANN DAQUIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with