Donaire habol ang rematch laban kay Magdaleno

MANILA, Philippines - Matapos siyang ta-lunin ni Jessie Magdaleno noong Nobyembre 6 ay pilit na hinahamon ni da-ting world four-division world champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang Mexican sa isang rematch. Ngunit may ibang gustong itapat si Bob Arum ng Top Rank Promotions kay Donaire.

At ito ay si World Boxing Organization featherweight champion Oscar Valdez, nagdadala ng malinis na 21-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 knockouts.

“That’s a great fight for Donaire and it’s a fight that we look to make for the first three months of the year. It would be Donaire at 126 fighting against Oscar Valdez,”wika ni Arum sa panayam ng BoxingScene.com.

Isinuko ni Donaire (37-4-0, 24 KOs) ang kanyang suot na WBO super bantamweight crown laban kay Magdaleno (24-0-0, 17 KOs) via unanimous decision sa undercard ng bakbakan nina Manny Pacquiao at Jessie Vargas noong Nobyembre 6 sa Las Vegas, Nevada.

At mula noon ay pilit nang hinahabol ng 34-an-yos na si Donaire ang 24-anyos na si Magdaleno para sa isang rematch.

Naniniwala naman si Arum na maganda ang ipapakita ni Donaire sakaling maitakda ang championship fight nila ni Valdez, nakamit ang WBO featherweight title matapos pabagsakin si Matias Rueda sa second rounds at ginawa ang una niyang pagdedepensa sa undercard ng Pacquiao-Vargas kung saan niya pinasuko si Japanese challenger, Hiroshige Osawa sa seventh round.

Hindi na bago para kay Donaire ang lumaban sa featherweight division.

Nakuha ni Donaire ang WBA featherweight belt mula sa kanyang technical decision win laban kay Simpiwe Vetyeka noong Mayo ng 2014, ngunit noong Oktubre ng nasabing taon ay nakalasap ng fifth-round KO loss kay Nicholas Walters.

Nauna nang kinilala si Donaire bilang Fighter of the Year matapos ang mga panalo kina dating world champions Israel Vazquez, Jr., Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce. (RCadayona)

Show comments