MANILA, Philippines - Maaaring mawala sa Tanduay ang unang dalawang manlalaro na kanilang pinili sa PBA D-League Rookie Draft.
Ito ay sa kadahilanang hindi pa napapapirma ng koponan si dating Letran Knight Jom Sollano at da-ting FEU Tamaraw na si Monbert Arong.
Si Sollano ang second overall pick ng draft nga-yong taon habang pinili naman ng Rhum Masters si Arong sa second round.
Batay sa panuntunan ng liga, kinakailangang mapapirma ng isang koponan ang kanilang mga napi-ling manlalaro sa draft pagkatapos ng five working days, kaya’t ngayon ang huling araw para sa Tanduay upang mapapirma sina Sollano at Arong.
Sakaling hindi makapirma ng kontrata, magi-ging free agent sina Sollano at Arong at maaari silang makuha ng ibang koponan na nasa liga.
Ayon sa source na nakakaalam ng sitwasyon, ipinadala na ng management ng Tanduay ang kanilang offer sheets sa tirahan nina Sollano at Arong, na kasalukuyang nasa kanilang mga probinsya upang magbakasyon.
Wala pang huling balita ukol sa sitwasyon habang isinusulat ang balitang ito.
Samantala, napapirma na ng AMA Online Education ang first overall pick ng draft ngayong taon na si dating La Salle Green Archer Jeron Teng.
Pumirma ang UAAP Season 79 Finals MVP at two-time UAAP champion ng one conference contract sa Titans noong Sabado, bisperas ng Pasko.
Bukod kay Teng, nakuha rin ng Titans ang serbisyo ni UP pointguard Diego Dario at beteranong sentro na si Jay-R ‘Baby Shaq’ Taganas upang mas palakasin pa ang kanilang line-up para sa Aspirants’ Cup na mag-uumpisa na sa Enero 19 ng susunod na buwan. (FML)